781 T. Manuel Street, Barangay San Jose

Blog EntryTIP SA PAGPILI NG MGA NEW YEAR'S RESOLUTIONJan 3, '08 11:58 AM
for everyone

Kapag ganitong bagong taon, marami sa atin ang nagsusulat ng mga mahahabang New Year's resolution na sa totoo lang, karamihan doon ay hindi naman natin nasusunod.  Bago mo ihanda ang ballpen mo at papel sa pagsusulat ng mga naisin mo sa bagong taon, Mag self-reflect ka muna para maayos mo mga resolutions mo for this year.

1.  SA SARILI KO MUNA.  - Masama ba ugali ko?  Kung masama, ano yung dahilan bakit ganito ugali ko?  Meron akong bisyo na alam kong masama pero bakit patuloy kong ginagawa?  Impatient ba ako at Hot tempered?  Masyado ba akong gastador at materyalistiko?  Inaalagaan ko bang mabuti ang katawan ko?  Mahirap ba akong magmahal at mahalin? Bakit? saan ang problema?  Napakasinungaling ko ba at tsismosa?  Napakatamad ko ba kaya hanggang ngayon walang nangyayari sa buhay ko?  Masyado ba akong ma-pride kaya hindi ako makapagsabi ng sorry?  Ubod ba ako ng yabang at wala akong paki-alam sa damdamin ng iba?  Pretender ba ako at iginuguhit ang hindi tunay na ako?  Masyado ba akong nagpapaawa sa sarili kaya hindi ako maka-usad usad?  Punong puno ba ako ng insecurities?

2.  SA MAGULANG AT (MGA) KAPATID - Okey ba kami ng parents ko?  Masama ba loob ko o matindi ang galit ko sa kanila?  ano yung dahilan?  Ginagalang ko pa ba sila bilang magulang na nag-aruga, nagpakiharap, at kumalinga sa akin?  wala ba akong utang na loob sa kanila?  May pagmamahal ba ako sa kanila? Mapapatawad ko ba sila? Me issue ba ako sa mga kapatid ko?  Insecure ba ako sa kapatid ko? Bakit?  Mababaw ba dahilan? Marunong ba akong magpatawad sa mga pagkukulang nila?  Ako kaya ang me problema kaya pinoproblema ko sila?

3.  SA KAIBIGAN - Marunong ba akong makitungo ng tama sa mga kaibigan?  Sinu ba sa kanila ang kagalit ko? ano ba yung dahilan ng aming pagkakagalit? Mababaw lang ba na masyado kong pinalalim?  Kailngan ko bang magtanim ng galit habang buhay?  Kaya ba naming ibalik ang dati at magpatawaran na lang.  Hindi kaya ako ang tunay na problema sa aming pagkakagalit?  Ang turing ko ba sa kaibigan e hanggang kasiyahan lang pag hirap wala na?  Naiintindihan ko ba ang kahulugan ng mabuting pakikisama?  ginagawan ko ba ng tsismis at paninirang puri ang kaibigan ko?  Marunong ba akong tumanaw ng utang na loob?Nagtuturo din ba ako ng kabutihan sa mga kaibigan ko?  Mahal ko ba ang mga kaibigan ko?

Ilan lang ito sa mga bagay na dapat nating i-check bago natin simulang isulat ang mga new years resolution.  Ito ang mga tanung sa ating sarili na kalimitan ay iniiwasan natin.  Mas maganda kung magsisimula sa ating sarili ang tunay at maayos na pagbabago sa hinaharap.  There's always a CHANCE for CHANGE.

 

 


gersha07 wrote on Jan 3
trulalu!!!
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Sam Royama All rights reserved.